101-ANYOS NA LOLA NAKAREKOBER SA COVID-19

The Netherlands

THE NETHERLANDS-NAGBIGAY ng pag-asa ang paggaling ng isang 101-anyos na lola mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa The Netherlands.

Na-confine ang hindi pinangalanang lola sa isang ospital malapit sa Rotterdam nakaraang dumaing nang paghirap sa paghinga.

Kinalaunan ay isinailalim siya sa COVID-19 testing at nagpositibo.

Makaraan ang halos dalawang linggong isolation at gamutan ay gumaling ang lola.

Sinabi naman ng health authorities sa The Netherlands na ipapasok muna ito sa nursing home ng ilang araw saka pauuwiin. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.