NAALARMA na ang health authorities sa paglobo ng Chickungunya cases na sumampa na sa 101 ang bilang sa Maripipi, Biliran.
Ayon kay Dr. Gabino Velazquez, municipal health officer, mabilis ang pagtaas ng naturang sakit dahil marami pa ring mga residente ang hindi nagpapakonsulta sa kanilang mga health center.
Sa record, ang pinakahuling nagkasakit ay nasa 70 katao.
Kabilang sa mga sintomas ng sakit ay matinding lagnat, pagsakit ng mga kasukasuan na aabot ng hanggang pitong araw.
Upang makaiwas sa sakit na dala ng kagat ng lamok, panatilihing malinis ang loob ng bahay at alisin ang mga nakaimbak na tubig sa mga container na hindi ginagamit. EUNICE C.
Comments are closed.