AABOT sa 102 preso na pawang armed robbers at urban bandits ang pinatawan ng parusang death penalty na sinasabing pina-execute ng pamahalaan ng Democratic Republic of Congo sa loob ng Angenga Prison sa northwest Congo nitong nakalipas na Linggo.
Sa ipinalabas na statement ng Minister of Justice ng Congo na ibinigay sa Associated Press News Agency, may susunod pang 70 kawatan at urban bandits na tinatawag na Kulunas ang nakatakda rin bitayin sa nasabing kulungan.
Nabatid pa ng new agency na aabot sa 45 prisoners ang binitay nitong Disyembre 2024 at ang natitirang 57 prisoners ay pina-execute sa loob ng 48 oras kung saan may 70 iba pang prisoners mula sa Kinshasa ang nakakulong sa Angenga prison subalit wala pang komento ang nasabing pamahalaan na status ng mga ito.
“Third batch will be executed, so the 1st two have already undergone the measure of execution by the death penalty.” pahayag ng Minister of Justice Mutamba na siyang namamahala sa executions ng mga preso nitong Linggo.
Karamiha sa mamamayan ng Congo ay welcome ang execution ng mga presong may kasong armed robbers at urban bandits dahil sa seguridad at kaayusan ng nasabing lungsod habang ang iba naman ay concerned sa abuse at human rights violations.
“We welcome this decision by the minister because it will help put an end to urban crime. From 8pm onwards, you can’t move around freely because you’re afraid of running into a Kulunan,” pahayag naman ng isang residente sa eastern city ng Goma na si Fiston Kakule.
Napag-alamang ang death penalty sa Democratic Republic of Congo ay sensitibong isyu kung saan noong 1981 ay inalis na ang death penalty subalit noong 2006 ay muling ibinalik.
Samantala, ang pinahuling ipina-execute na preso ay 2003 ngunit noong Marso 2024 ay pinagpatuloy ang capital executions sa military personnel na inakusahan ng treason, kung saan noong Mayo 2024 ay pinatawan ng death penalty ang walong sundalo makaraang tumakas sa battlefield.
Nitong nakalipas na Hulyo 2024, aabot sa 25 sundalo ng DRC naman ang convicted din sa pagtakas sa battlefield subalit walang balita kung ang mga ito ay pina-execute na.
MHAR BASCO