NASA 70,809 pulis o 32.57% ng kabuuang bilang na 225,239, ang tumanggap ng kanilang booster shot habang 1,034 pa ang hindi nababakunahan kontra COVID-19.
Nabatid na 217, 386 pulis ay tumanggap na ng dalawang dose ng bakuna habang 6,819 pulis ang naghihintay ng ikalawang dose.
Sa datos ng PNP –Health Service kahapon,naitala ang 204 bagong kaso ng nasabing sakit kaya sumipa ang kaso sa 47,194 ang kumpirmadong na-infect simula noong Marso 2020.
Sa nasabing numero, 3,151 ang aktibong kaso habang mayroong 331 na gumaling kahapon dahilan para ang total recoveries ay nasa 43,917.
Nananatili naman sa 126 ang death toll kung saan noong Abril 2020 ang unang naitalang nasawi. EUNICE CELARIO