INIULAT ng Department of Health na nasa 1,038 ang gumaling pa sa coronavirus disease sa bansa.
Dahil dito hanggang alas-4:00 ng hapon ng Agosto 14 ay umakyat na sa 71,405 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Mahigit naman sa 6,000 muli ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ay153,660 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 79,813 ang aktibong kaso.
Sinabi ng DOH na 6,216 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.3 porsyento ang asymptomatic; 0.6 porsyento ang severe habang 1.0 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos sa 98 mula sa 103 licensed laboratories.
Nasa 16 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 2,442 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.