MAY 104 test kit products para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang inaprubahan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) hanggang noong Mayo 22.
Sa abiso ng FDA, apat na PCR-based at pitong antibody rapid test kit products ang inaprubahan nito kamakailan.
Sa talaan ng ahensiya, 59 sa registered products ay para sa rapid testing habang 45 ang sa PCR-based testing.
Karamihan sa test kits ay ginawa ng China – 45 mula sa 104 approved products. Ang iba ay nagmula sa Singapore, USA, Germany, Ireland, Italy, France, South Korea, Australia, Turkey, UK, Spain, at Luxembourg.
Isang produkto lamang ang inaprubahan mula sa Filipinas na prinodyus ng Marikina City-based Manila HealthTek, Inc.
Comments are closed.