SARANGANI – PINASINAYAAN na ang 105 megawatt coal fired power plant phase 2 sa Kamanga, Maasim.
Nanguna sa inagurasyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay dalawang beses na siyang naging bisita sa Sarangani Energy Corporation na pagmamay-ari ng mga Alcantara.
Ang coal fired power station ang isa sa pinagkukunan ng koryente na nagsuplay sa grid para maabot ang maraming lugar sa Mindanao.
Matatandaang nagkaroon ng krisis sa suplay ng koryente ang Mindanao at isa ang Sarangani Energy sa tumugon nito sa pama-magitan ng pag-energize sa unang 105MW power plant.
Sinaksihan din ng Pangulo ang paglulunsad ng construction ng 14.5 megawatt hydro power project Siguel river hydroelectric plant na makikita rin sa nasabing barangay.
Tampok ang mga negosyante at mga opisyal galing sa iba’t ibang LGU na nagmula pa sa ibang rehiyon para makasalamuha ang Pangulo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.