1,050 EKTARYA NG BUKIRIN WASAK SA HABAGAT AT KAY TD JOSIE

Tropical Depression Josie

ANTIQUE – NASA 1,050 ektarya ng bukirin ang nawasak bunsod ng pag-ulan dulot ng habagat at Tropical Depression Josie kung saan umabot sa 1,684 farmers ang naapektuhan.

Ayon kay Ramona dela Vega, rice coordinator ng Office of the Provincial Agriculture, na 12 sa 18 bayan sa nasabing lalawigan ang apektado ng pag-ulan kung saan ang nawasak ay mga palayan at gulayan.

“There are also other rice crops that are right now in the seeding, reproductive and maturing stages,” ayon kay Dela Vega.

Tinukoy naman ang mga bayan na apektado ng pag-ulan mula Hulyo 17 hanggang 26 at ang mga ito ay ang Hamtic, Anini-y, Barbaza, San Remigio, Caluya, Belison, Laua-an, Sebaste, Bugasong, Sibalom, Tibiao at Culasi.

Aabot naman sa P6,319,919 ang danyos ng nasabing sama ng panahon.

Inihayag ni Dela Vega  na kanila nang isusumite sa Department of Agriculture 6 (Western Visayas) ang ulat para sa validation at upang mapabilang ang mga magsasaka na mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan.

Inaasahan din na ire-release ang mga binhi mula sa bodega ng DA sa bayan ng Padang at Patnongan para maipamahagi sa apektadong magsasaka.    EUNICE C.

Comments are closed.