10,516 GUMALING SA COVID-19

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 10,516 na gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) araw ng Linggo, Marso 7.

Sumampa sa 545,853 ang kabuuang bilang ng lahat ng nakarekober sa COVID-19 sa bansa.

Pumalo naman ng 3,276 ang bilang ng nagpositibo sa naturang virus na nagbunsod upang pumalo sa 594, 412 ang kabuuang numero ng lahat ng kaso ng COVID-19.

Habang 36,043 sa mga ito ay itinuturing na aktibong kaso.
Samantala, tinatayang 12,516 naman ang natalang kabuuang namatay dulot ng nasabing virus. DWIZ882

One thought on “10,516 GUMALING SA COVID-19”

Comments are closed.