HINDI umubra sa 106-anyos na lolo ng Barangay Irisan, Baguio City ang makamandag na COVID-19 matapos itong maka-survive at gumaling noong Martes.
Ayon kay City Health Services Officer Rowena Galpo, na-discharged noong Martes (Oct. 20) ang pasyenteng centanarian matapos ang 11 araw na confinement sa Baguio General Hospital and Medical Center.
Pahayag pa ni Galpo, pinalabas ng ospital ang matanda base na rin sa clinical evaluation at risk assessment na isinagawa ng attending physician sa BGHMC at idineklara itong magaling na.
Nabatid na isinailalim sa swab test ang 106-anyos na lolo makaraang makaranas ng mild symptoms kung saan nagpositibo sa COVID-19 noong Oktubre 9 kaya isinugod sa BGHMC.
Base sa Department of Health guidelines, walang iba pang sintomas na nararanasan ang pasyente habang naka-confine sa isolation facility sa loob ng 11-araw kaya’t hindi na kailangan pang mag- swab test uli. MHAR BASCO
Comments are closed.