(1,063 huli sa gun ban) 51 ELECTION RELATED INCIDENTS NAITALA SA PNP

ISANG buwan bago ang Barangay And Sangguniang Elections (BSKE), naitala ng Philippine National Police (PNP) ang 51 election related incidents (ERIs).

Gayunman, paglilinaw ni Pnp-Public Information Office Chief, Colonel Jean Fajardo, pito sa ERI ay napatunayang may kaugnayan sa eleksyon sa Oktub re 30.

Apat ay sangkot sa pamamaril, dalawa sa pagdukot at isa ang alarm and scandal.

Walo sa naitala ay suspected pa lamang at hindi pa napatutunayang may kinalaman sa BSKE.

Samantala, hanggang September 28, pumalo na sa 1,083 katao ang nahuli sa paglabag sa Election Gun Ban, pinakamaraming naaresto ay sibilyan na nasa 1,000, gayunman, ang pagdakit sa kanila ay hindi lang sa mga itinayong Comelec checkpoints kundi iba’t ibang police operations.

Nasa 654 firearms naman ang nakumpiska; 1,288 ang idineposit sa mga police station para sa safekeeping at 1,156 ang isinuko.
EUNICE CELARIO