($107.95-B noong Oktubre) PH DOLLAR RESERVES LUMOBO

DOLLAR

LUMAKI ang foreign currency reserves ng bansa noong Oktubre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa preliminary data ng BSP, lumitaw na ang gross international reserves (GIR) ng bansa ay nasa $107.95 billion, mas mataas ng $1.35 billion kumpara sa $106.6-billion noong Setyembre.

“The month-on-month increase in the GIR level reflected mainly the national government’s net foreign currency deposit with the BSP and upward adjustment in the value of the BSP’s gold holdings due to the increase in the price of gold in the international market,” the central bank said.

Ayon sa BSP, ang national government ay nag-isyu ng retail onshore dollar bonds at idineposito ang kinita na nagkakahalaga ng $1.593 billion sa central bank.

Ang pinakahuling GIR level ay kumakatawan sa “more than adequate liquidity buffer equivalent to 10.8 month’s worth of imports of goods and payments of services and primary income.”

Tumaas din ang net international reserves o ang pagkakaiba sa pagitan ng GIR ng BSP at ng total short-term liabilities, ng $1.35 billion sa $107.93 billion hanggang noong Oktubtre mula sa end-September level na $106.58 billion.