107 KATAO IGINUPO NG COVID-19 SA LOOB NG 9-ARAW

BATAAN- Pumalo sa 107 ang bilang ng mga namatay dulot ng sakit na COVID-19 sa loob ng 9 araw simula nitong September 2 hanggang 11 dahilan para sumirit na sa 825 ang kabuuang bilang ng lahat ng mga nasawi sa naturang lugar.

Sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office (PHO) Pinakamatanda sa mga huling nasawi ang isang 82 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan habang nag pinakabata naman ay isang 36 anyos na babae mula sa Orani.

Base sa pinakauling tala, nasa 4.027 na ang aktibong kaso sa Bataan matapos madagdagan pa nang 300 na panibagong kaso ng mga nagpositibo sa Covid-19.

Samantala, nasa 18,236 ang bilang ng mga gumaling na matapos maidagdag ang 187 na panibagong nakarekober.

Sumampa na sa 23,088 ang kabuuang bilang ng mga taong nahawaan ng COVID-19 sa naturang lugar. ROEL TARAYAO

36 thoughts on “107 KATAO IGINUPO NG COVID-19 SA LOOB NG 9-ARAW”

Comments are closed.