107 LAW OFFENDERS NALAMBAT SA SACLEO

CAVITE – UMAABOT sa 107 law offenders ang nalambat ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang 43 police operations sa loob lamang ng isang araw sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigang ito kahapon.

Sa police report mula sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, inilunsad ang one-day Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO) kung saan aabot sa 59 katao ang nasakote sa anti-drug bust na aabot sa 117 plastic sachets na shabu at 16 sachets naman ng pinatuyong dahon ng marijuana, mga drug paraphernalia ang nasamsam ng PNP Drug Enforcement Units (SDEU).

Samantala, 25 wanted person kabilang ang 8 most wanted persons (Regional, Provincial, City at Municipal level) ang nalambat ng tracker teams ng pulisya sa implementation ng warrant of arrest sa iba’t ibang bayan at lungsod.

Ikinasa rin ng mga operatiba ng pulisya ang anti- illegal gambling operations sa mga lungsod at munisipalidad kung saan 23 sugarol ang naaresto habang nakumpiska naman ang iba’t ibang gambling paraphernalia at bet money na P2, 607.00.

Nagpapatuloy naman ang Cavite PNP sa pangunguna ni Col. Christopher Olazo sa anti-criminality operations upang mapanatili ang peace and order sa ilalim ng public service na ‘Malasakit, Kaayusan,

Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran (M+K+K=K). MHAR BASCO