BULACAN-UMABOT sa 107 Law Offenders na kinabibilangan ng 11 drug peddlers at 82 pasaway sa Enhanced Community Quarantine(ECQ)ang nadakip ng Bulacan PNP sa isang araw na anti-illlegal drug operation sa lalawigang ito.
Base sa report nina P/Lt.Col.Amado Mendoza Jr,Marilao police chief at P/Lt Col. Victorino Valdez,Paridel police chief, kay P/Col.Lawrence Cajipe,Acting Provincial Director ng Bulacan PNP,nakilala ang ilan sa naarestong tulak ay sina Mak de Jesus ,23,kabilang sa drug watchlist ng Marilao;Mark Joseh Sadino alias Tisoy,23 at Ivan Kris Hernando,kapwa rin nasa drug watchlist ng Plaridel police station.
Ang mga naaresto ay nakorner ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga buy-bust operation sa bayan ng Marilao, Plaridel, Angat, Baliwag at San Jose del Monte City at umabot sa 59 pakete ng shabu at buy-bust money ang narekober sa 11 drug peddler na pawang ipinasailalim sa drug test.
Samantala,11 pang sugarol ang nadakip ng awtoridad sa anti-illegal gambling operation sa bayan ng Balagtas, at SJDM City nang mahuli sa tong-its at makumpiskahan ng dalawang set ng playing card at cash na mahigit P1,000 habang dalawang most wanted person(MWP) ang na-korner ng tracker team ng Bulacan PNP sa bayan ng Norzagaray at Marilao.
Umabot naman sa 82 katao na pasaway sa ECQ ang nakorner ng awtoridad sa mga bayan ng Balagtas,Guiginto,Pandi,Bulakan,Plaridel,Meycauayan,Sta.Maria at Baliwag dahil sa paglabag sa social distancing,hindi pagsusuot ng face mask, pagkakalat, walang quarantine pass, paglalasing, paglaban sa awtoridad habang isa ang nahulihan pa ng tatlong pakete ng shabu matapos dumaan sa check-point sa Angat.
Mas pinatitindi ngayon ng Bulacan PNP ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga bukod pa sa pagdakip sa mga pasaway sa pinaiiral na ECQ. MARIVIC RAGUDOS