TINUKOY na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 107 local officials na bibigyan ng show cause orders kaugnay sa polusyon sa Manila Bay, ayon kay Undersecretary Martin Diño.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Diño na ang naturang mga opisyal ay kinabibilangan ng mga alkalde at barangay chairpersons.
“For the past 10 years ang nangyari riyan… monitoring, valuation, validation pagkatapos picture-taking,” ani Diño.
“Kaya natutuwa ako nung sa amin ngayon monitoring saka prosecution,” dagdag pa niya.
Aniya, nabigong ipatupad noong mga nakalipas na taon ang waste disposal laws sa mga komunidad sa paligid ng Manila Bay.
“Ngayon mayroon na kaming 107 na pagbibigyan ng show cause order. Ang kasunod niyan demanda na sa Ombudsman,” dagdag pa niya.
Nagbabala rin siya na mawawalan ng saysay ang rehabilitasyon ng Manila Bay kapag walang naipakulong sa paglabag sa environment laws na may kaugnayan sa body of water.
Comments are closed.