107 NAGPOSITIBO SA COVID-19 SA NAVOTAS SA LOOB NG 4 ARAW

Covid-19 test

SA IKAAPAT na sunod na araw, nadagdagan na naman ng isa ang buhay na nalagas sa lungsod ng Navotas dahil sa COVID 19 kamakalawa, Hulyo 8, habang 35 ang na­dagdag sa nagpositibo sa nasabing sakit at nasa 13 pasyente naman ang gumaling.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, mula Hulyo 5, apat na ang namamatay sa Navotas dahil sa COVID 19, habang 107 na ang nagpositibo sa nasabing nakamamatay na sakit.

“Sanayin na ang sarili na magsuot ng mask kahit nasa loob ng sasakyan, opisina o gusali. Dumistansya ng 1-2 metro mula sa mga kasama. Kung dati sharing is caring kapag kumakain at nagsasalu-salo, ngayon iwasan na muna ‘yan. Baka virus ang mai-share natin,” patuloy niya.

Bukod dito, ipinaalala ng punong-lungsod na ugaliin ang paghuhugas ng kamay, tamang pag-ubo o pagbahing, at palagiang pagdi-disinfect lalo na ng cellphone at iba pang gamit na madalas hawakan.

Iginiit din ni Tiangco na kailangan nating ma­ging mas maingat sa a­ting kalusugan at ang kahalagahan na masigurong ‘di tayo magkakasakit at dumagdag pa sa bilang ng mga nagpopositibo. VICK TANES

Comments are closed.