107 NPA IBINABA ANG ARMAS SAKA SUMUKO

armas

MASBATE – BITBIT ang mga armas saka sumuko ang nasa 107 New People’s Army (NPA) mula sa dalawang bayan sa lalawigang ito.

Sa ulat, 48 na kalalakihan mula sa Sangay ng Patido sa Lokalidad at 16 na aktibong kasapi ng Milisyang Bayan ang sumuko mula sa bayan ng Aroroy.

Nasa 31 aktibong kasapi naman ng Sangay ng Patido sa Lokalidad at pitong kababaihan at apat na kalalakihan mula sa Milisyang Bayan, kasama ang isang kasapi ng NPA, ang sumuko mula sa bayan ng Claveria.

Pinangasiwaan ang mga ito ng mga tauhan ng 2nd Infantry Battalion (IB), gayundin ng 96 Military Intelligence Company, 22nd IB, Citizen Armed Force Geographical Unit, 1st Masbate Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Branch, Masbate Police Provincial office, Aroroy Municipal Police, Claveria Municipal Police, at Regional Intelligence Unit.

Ang mga isinukong armas ay dalawang caliber pistols at 17 caliber .38 revolvers.

Ang pagsuko ng mga communist terrorist ay bunga ng kanilang intelligence build-up, intelligence fusion at mga operasyon sa lalawigan.  AIMEE ANOC

Comments are closed.