INIHATID ng Chinese Embassy in Manila, sa pamamagitan ng Chinese Consulate sa Laoag ang may 107 tonelada ng bigas para sa sampung lugar na kinabibilangan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Laoag City, Santiago City, at Dagupan City.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, umaasa siya na kahit bahagya ay maiwasan ang impact ng COVID-19 pandemic at hirap na nararanasan ng mga pamilya sa hilagang Luzon bunsod ng nagdaang mga bagyo. VERLIN RUIZ