SOUTH COTABATO-ISINUGOD sa ospital ang 108 katao makaraang manghina dahil sa umano’y food poisoning sa Lake Sebu sa lalawigang ito.
Ayon kay Roberto Bagong, Lake Sebu disaster risk reduction and management council (MDRRMC) action officer, naganap ang food poisoning sa liblib na lugar sa Barangay ng Tasiman at Lamfugon.
Sinabi ni Bagong na ang 20 sa mga biktima ay pawang kabataan na nasira ang tiyan nang kainin ang inuwing pagkain ng kanilang mga magulang mula sa isang pagpupulong.
Tumulong na rin ang Local rescue tams para umasiste sa pagdala sa mga biktima sa ospital.
Inamin ni Bagong na ang mga biktima ay na-food poison umano ng panis na pancit bihon na ipinamahagi sa naganap na pagpupulong nitong Linggo ng hapon.
“We suspect spoiled ‘bihon’ (rice noodles) that were distributed during the gathering caused the food poisoning,” ayon kay Bagong.
Sa mga isinugod sa ospital, 92 sa mga biktima ay nananatiling ginagamot sa Lake Sebu Community Hospital habang ang iba pa ay outpatients.