PASAY CITY – MAHIGIT 100 overseas Filipino workers (OFWs) na may sakit sa Kuwait ang inasistehan ng Philippine Embassy sa pamamagitan ng kanilang Medical Response Team (MRT), ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Bukod sa 108 may sakit, tinulungan din ng MRT ang 27 iba pang Pinoy sa pag-aasikaso sa kanilang pag-uwi.
Sinabi naman ni Chargé d’Affaires Mohd Noordin Pendosina Lomondot na handa ang MRT na ibigay ang anumang tulong na kakailanganin ng mga Filipino na nasa Kuwait gaya ng medical referrals sa mga ospital at klinik, regular hospital visits, gaya ng pagtulong sa mga hospital expenses, at kanilang pag-uwi sa Filipinas.
“The Embassy’s MRT also serves as the bridge between Filipino patients and their families in the Philippines, who wish to ascertain the condition of their loved ones in Kuwait,” dagdag pa ni Lomondot.
Kabilang din sa tinututukan ngayon ng MRT ang pagtuturo sa kanilang personnel para sa kaligtas ng mga OFW sa Kuwait. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.