10,809 DAGDAG NA GUMALING SA COVID-19

LUMOBO na sa 1,046,653 COVID 19 cases ang naitala sa bansa matapos madagdagan ng panibagong 9,226 bagong mga kaso sa araw ng Sabado, Mayo 1.

Ayon sa Department of Health, may 10,809 ang gumaling kayat sa kabuuan 957,051 ang nakarekober sa sakit.

Umakyat naman sa 17,534 ang namatay matapos madagdagan ng 120.

Sa kabuuan, may 72, 248 active cases pa sa bansa sa kasalukuyan.

May 33 duplicates ang tinanggal sa kabuuang bilang at 22 sa mga ito y gumaling, samantalang may 54 kaso na unang napaulat na recovery ay nadagdag naman sa bilang ng mga nasawi.

19 thoughts on “10,809 DAGDAG NA GUMALING SA COVID-19”

Comments are closed.