10,957 NEW RECOVERIES SA COVID-19 NAITALA

DOH

UMABOT na sa 418,818 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH)  araw ng Linggo, 1,968 bagong kaso ng infection ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Cavite na nasa 107.

Nasa 10,957 bagong recoveries ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 386,486 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Nasa 8,123 ang bilang naman ng nasawi matapos madagdagan ng 43.

Naitala na 4,209 na lamang ang total COVID-19 active cases sa bansa.

COVID-19 SA MUNDO, 58.1 MILYON NA

Pumalo na sa mahigit 58.1 milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  sa buong mundo.

Batay sa talaan ng John Hopkins University, mahigit 1.3 milyon na sa nabanggit na bilang ang nasawi.

Estado Unidos pa rin ang nangungunang bansa na pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 kung saan nakapagtala na ng mahigit 12-milyong kumpirmadong kaso at higit 255,000 namatay.

Pumapangalawa ang india na mayroon nang mahigit 130,000 pagkasawi mula sa higit 9-milyong kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Pangatlo ang Brazil na nakapagtala na ng mahigit 6-milyong kabuuang kaso at halos 169,000 death toll. DWIZ882

Comments are closed.