10K BAGONG PULIS SA 2019

PULIS

INAASAHANG  may 10,000 bagong police officer 1 position ang madaragdag sa puwersa ng Philippine National Police (PNP) dahil sa P3 bilyong proposed budget ng kapulisan sa susunod na taon.

Inihayag ito ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diok­no, sa pagdaragdag ng pulis ay magiging 1 is to 505 population ang ratio ng PNP na malapit na sa ideal ratio na 1:500.

Layon ng gobyerno na dagdagan pa ang bilang ng mga pulis upang mas maging epektibo sa paglaban sa kriminalidad sa bansa.

Ang madaragdag na 10,000  bagong PNP personnel sa susunod na taon ay makatatanggap din ng mataas na suweldo base na rin sa Congress Joint Resolution number 1 na inilabas noong Enero ng taon na ito.

Bukod sa PNP ay naglaan din ng pondo ang gobyerno  para ma­dagdagan ang bilang ng mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Bubuksan naman ang 3,000 position para sa Fire Officer 1 na pinaglaanan na ng P803 milyong budget habang 2,000 Jail Officer 1 naman ang madaragdag sa susunod na taon na mayroong P576 milyon. NENET V

 

Comments are closed.