Extraordinary times require extra ordinary measures. Ito ang damdamin at nasa isip ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyado sa pagsusulong ng isa na namang hakbang na magbibigay-tulong sa ating mga kababayan na nalugmok ng COVID-19.
Ikinasa ni Cayetano sa Kongreso ang Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program na magbibigay ng Php1,500 bawat miyembro ng pamilya o Php10,000 sa bawat pamilya alinman ang mas malaki. Kasama ni Cayetano sa paghahain ng panukalang batas ang kanyang may bahay na si Congw. Lani Cayetano, dating Deputy Speakes Lray Villafuerte, Raneo Abu, Dan Fernandez, Bulacan 1st District Cong. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado, at Anakalusugan Partylist Cong. Michael Defensor.
Malaking ginhawa ito para sa ating mga kababayan lalo na at hindi pa tayo nakakabalik sa ating normal na pamumuhay dahil hanggang ngayon nandyan pa rin ang COVID-19 at magsisimula pa lamang magbakuna ang ating bansa ngayong buwan o kaya sa Marso na sinasabing magpapatuloy hanggang tatlong taon. Alam naman natin na sumadsad ng -9.5% ang ating ekonomiya sa taong 2020 dahil sa COVID-19. Ito ang pinakamatinding lagapak ng aspetong financial ng Pinas mula House Bill 8597 o BPP Assistance Program na sinisiguro ng hakbang na ito na mabigyan ng dagdag allowance ang ating mga kababayan na lugmok pa din sa ngayon. Prayoridad na makakatanggap ng cash aid na ito ang mga senior citizens, persons with disabilities, mga solo parent, mga nawalan ng trabaho, mga medical frontliner, pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs), mga indibidwal na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), mga may Philippine National ID, at ang mga nasa vulnerable sector ng ating lipunan.
Sinabi pa ni Cayetano na kapag naipasa ang nasabing panukalang batas ay makatutulong din umano ito na “lumakas ang household consumption, na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya” na dumanas ng pinakamatinding economic contraction mula nang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Hindi naman natin maikakaila na matatag ang dibdib at matatapang ang loob ng mga Filipino kahit ano mang pagsubok ang ating hinaharap ngunit ayon kay Cayetano at ng kanyang mga kaalyado, kailangan pa ring tulungan ang ating mga kababayan na makabangon sa kanilang sitwasyon na dulot ng COVID-19 dahil hanggang ngayon marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan, maraming negosyo ang nagsara, at limitado pa din ang galaw ng mga tao para maghanap ng mapagkakakitaan dahil sa mga pinapatupad na basic Anti-COVID protocol.
Ayon pa kay Cayetano, “Yung P10,000 per family, parang kukuha ka sa kaliwang bulsa, babalik din sa kanan, dahil iikot din ‘yon sa ating ekonomiya,”. Dagdag pa niya na kung itutuloy ang pamimigay ng ayuda ay matutulungan hindi lang ang consumer kundi pati ang mga supplier at buong ekonomiya ng bansa.
Ang ating panawagan sa liderato ngayon ng Kamara ay sana naman aksiyunan agad ang panukalang ito dahil mahaba-haba pang panahon ang titiisin ng ating bansa at ng ating mga kababayan dahil patuloy pa rin ang pamamayagpag ng COVID-19 sa buong mundo.
Comments are closed.