DUMATING na sa bansa noong Lunes ang 10,000 doses ng bakuna laban sa African swine fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Asisstant Secretary Dante Palabrica, gagamitin ang mga bakuna sa emergency inoculation ng malulusog na growers sa Red Zones upang mapigilan ang ‘resurgence’ ng virus nito.
Ito ay bahagi pa rin ng isasagawang mas malawak na controlled testing ng bansa sa ASF vaccines mula sa Vietnam.
Sinabi ni Palabrica na may ibang vaccine manufacturers din mula sa US, South Korea, at Vietnam ang nag-aaplay sa Food and Drug Administration (FDA) para maging bahagi ng isasagawang controlled testing ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Giit ni Palabrica, magpapatupad ang FDA ng mahigpit na requirements para sa controlled testing upang matiyak na epektibo ang bakuna kontra ASF na gagamitin.
Isasailalim din, aniya, sa genome sequencing ang virus upang matiyak na ang inoculation ay hindi magreresulta sa mutation.
Sa pagdating ng bakuna kontra ASF, inaasahan ng DA na masisimulan na ngayong linggo ang pagbabakuna na uunahin sa Batangas. Ma.Luisa Macabuhay-Garcia