10K FOOD PACKS MULA TIMOG AYUDA SA BIKTIMA NG ‘OMPONG’ SA NORTE

Mayor Inday Sara Duterte-Carpio

DAVAO CITY – BA­GAMAN magkadulo ang layo, mula sa puso ang pagtulong ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga biktima ng Bagyong Ompong sa Northern Luzon lalo na sa Cordillera Administrative Region na matinding hinagupit ng kalamidad.

Sa ulat,  10,000 food packs ang ibinigay ng Davao City sa mga biktima ng Bagyong Ompong.

Kasabay ito ng pagtiyak ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio na la­ging handa ang mga Dabawenyos na tumulong sa ibang probinsya lalo na sa panahon ng kalamidad.

Kinumpirma ni Lawyer Raul Nadela, Jr., Chief of Staff ng alkade simula na ang pamamahagi ng nasabing bilang ng mga relief goods.

Noong nakaraang buwan lang ay nasa P12.25 milyon na ha­laga ang naibigay ng lungsod sa mga lugar na apektado naman ng Bagyong Inday, Josie, at Karding sa Luzon at Visayas.     EUNICE C.

Comments are closed.