10K ONLINE TNK JOBS PARA SA OFWs

Silvestre Bello III

LIBU-LIBONG trabaho ang naghihintay para sa pampubliko at pribadong sektor sa isasagawang online job at business fair.

Ito ay magkatuwang na isasakatuparan ng Department of Labor and Employment ( DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na partikular na makikinabang dito ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa online Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK), may 10,000 bakanteng trabaho para sa mga job seeker na karamihan sa kakailanganin ay mula sa technical support, medical health care personnel at administrative staff.

Ayon kay Labor Secretary Silvestro Bello III, ang nasabing programa  ay bahagi ng hakbangin ng pamahalaan upang matugunan ang problema sa unemployment o kawalan ng trabaho

“As such, he said, the online program gives jobseekers access to online employment facilitation and entrepreneurial options. This is purposely for displaced workers, returning overseas Filipino workers (OFWs), K-12 graduates, persons with disabilities (PWDs), and senior citizens,” anang kalihim.

Ani Bello, alinsunod sa RA 11261 o First Time Job Seekers Assistance Act,  ang first time job seekers o ang mga nangangailangan ng pre-employment requirements  ay maaaring gamitin ang  One-Stop-Shop Service na puwedeng makita sa TNK webpage na kung saan maaaring makadirekta sa mga kinauukulang ahensiya.

“This is another good news to those in need of pre-employment requirements such as Police/ NBI/ Barangay clearance, birth certificate, marriage certificate, tax account number, and the like, are exempted from paying fees,” pahayag ni Bello.

Sinabi naman ni Assistant Secretary at  concurrent Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay  na sa pamamagitan ng TNK webpage,maaari ring maka-connect ang mga jobseeker para sa online lectures and seminars na iniaalok ng DOLE,DTI at iba pang participating agencies.

Maari ring mag access sa http://www.ble.dole.gov.ph/index.php/TNK para sa job opening. LIZA SORIANO

Comments are closed.