10K PANG PULIS BABAKUNAHAN

SAMPUNG libong pulis ang inaasahang madaragdag sa listahan ng bakunado kontra COVID-19.

Ito ay nang ihayag ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang hepe ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF), kasunod ng pagtanggap nila ng 10,000 doses ng Johnson & Johnson mula sa alokasyon ng Department of Health (DOH) noong Agosto 3.

Ipinaliwanag ni Vera Cruz, taliwas sa ibang brand ng bakuna, ang J&J na gawa ng Janssen ay isang shot o dose lang ang kailangan.

Paglilinaw naman ng heneral na ang nasabing mga bakuna ay para sa mga police personnel na naka-assign sa NCR Plus o sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Bulacan, Batangas, Pampanga Cebu City at Metro Davao gayundin sa mga island provinces.

“We received 2,009 vials (equivalent to 10,000 doses) of Johnson &Johnson ( J&J) from DOH, intended for our personnel in NCR plus and island provinces which cannot be accommodated by vaccines allocated for LGUs considering that Janssen vaccine is single-dose only,” ani Vera Cruz.

Ayon pa sa heneral, kanila pang tinutukoy ang mga island provinces na kanilang pagbibigyan ng bakuna at ang priority ay ang mga lugar na hindi ma-accommodate sa local government units.

Dahil sa sunud-sunod na pagdating ng kanilang vaccine allocation, nasa kabuuang 139,71 doses na ang na-administer sa PNP.

Batay sa datos na inilabas ng ASCOTF, 101,663 police personnel o halos 50% na mula sa 220,663 kabuuang puwersa ng PNP ang nabakunahan.

Sa nasabing bilang 51,764 ay fully vaccinated at 49,899 ang naka-first dose, habang 119,000 pa ang hindi pa nabakunahan.

Patuloy ang paghihikayat ng pamunuan ng PNP sa kanilang mga personnel na magpabakuna para sa proteksiyon lalo at may banta ng Delta variant. EUNICE CELARIO

5 thoughts on “10K PANG PULIS BABAKUNAHAN”

  1. 784196 850397I discovered your weblog web site on google and verify some of your early posts. Continue to sustain up the superb operate. I merely extra up your RSS feed to my MSN News Reader. Searching for forward to reading extra from you in a although! 699681

Comments are closed.