Standings
W L
Women
*Ateneo 11 2
*DLSU 10 3
*UST 9 4
*FEU 8 5
UP 6 7
NU 4 9
UE 3 10
AdU 1 12
*semifinalist
Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. – DLSU vs UP (Men)
10 a.m. – UE vs UST (Men)
2 p.m. – UST vs NU (Women)
4 p.m. – AdU vs UP (Women)
UMAASA ang University of Santo Tomas na papabor sa kanila ang final weekend ng UAAP Season 81 women’s volleyball eliminations.
Sisikapin ng Tigresses na tapusin ang kanilang elims campaign laban sa also-ran National University ngayon sa pamamagitan ng panalo at umasa na ang resulta ng De La Salle-Far Eastern University match sa sumunod na araw ay magiging pabor sa kanila.
May insentibo man o wala, ang UST ay handa sa ‘giyera’ sa pagbabalik nito sa Final Four matapos ang isang taong pagkawala.
Ang panalo sa 2 p.m. duel sa Lady Bulldogs, kasama ang pagkatalo ng Lady Spikers sa Lady Tamaraws bukas, ay magbibigay-daan upang maipuwersa ng Tigresses ang playoff laban sa defending three-time champions para sa nalalabing twice-to-beat incentive sa semifinals.
May 9-4 record, ang UST ay naghahabol ng isang laro sa De La Salle (10-3) sa karera para sa coveted No. 2 spot sa playoffs.
Nakopo ng Ateneo, may league-best 11-2, ang unang twice-to-beat berth sa Final Four, at makakasagupa nito ang sibak nang University of the East bilang final elimination round opponent nito bukas.
Umaasa ang NU, nakakolekta ng apat na panalo, na matatapos ang kanilang kampanya sa pagtala ng isa pang sorpresa tulad ng ginawa nito sa pagsibak sa University of the Philippines sa Final Four race, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Maghaharap naman ang UP at Adamson University sa isang no-bearing match sa alas-4 ng hapon.
Comments are closed.