CAGAYAN – ISANG entrapment operation ang ikinasa ng PNP-Gonzaga para iligtas ang 11 kababaihan laban sa isang KTV bar na pugad ng prostitusyon sa bayan ng Gonzaga.
Bago ang entrapment operation, isang ginang ang nagtungo sa himpilan ng Gonzaga Police Station, upang ireklamo na ang kanyang mister ay madalas umanong nagtutungo sa KTV bar, na may mga guest relation officer (GRO) sa tuwing ang kanilang mga asawa ay kulang ang mga suweldo na ibinibigay sa kanila.
Napag-alamang ang presyo ng bawat babaeng kanilang inilalabas mula sa bahay aliwan ay halagang P1,500 bawat isa mga kostumer na lalaki ng KTV Bar na matatagpuan sa Barangay Smart, Gonzaga.
Pinosasan ng awtoridad ang nagmamay-ari ng nasabing bahay aliwan na si Lerma Sumajit, 47, residente ng Barangay Progressive, makaraang tumanggap ng P3,000 marked money bilang kabayaran sa dalawang napiling GRO ng pulis na nagpanggap bilang kostumer.
Kabilang sa mga na-rescue sa bahay aliwan na tinaguriang white slave trade ang siyam pang babae na nagtatrabaho sa lugar, kung saan ay naka-kumpiska ang awtoridad sa suspek ng mahigit sa P20,000 na bahagi ng kita ng nagmamay-ari ng KTV bar. IRENE GONZALES
Comments are closed.