INILAHAD ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos na may 11 barangays sa Mandaluyong ang ginawaran ng 2024 Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon sa DILG, naipasa ng mga barangay ng Addition Hills, Barangka Drive, Barangka lbaba, Namayan, New Zaniga, at Plainview ang tatlong core governance areas at tatlong essential governance areas.
Samantala, ang mga barangay ng Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Daang Bakal, Wack-Wack, at Old Zaniga naman ay naipasa ang kinakailangang tatlong core governance areas at dalawang essential governance areas.
Pinangunahan nina Mayor Abalos at DILG-Mandaluyong City Director Mary Ann Planas ang paggawad ng SGLGB sa mga nasabing barangay.
Ikinatuwa ni Mayor Abalos ang nakamit na SGLGB ng mga nasabing barangay na nagpapatunay sa kahusayan ng mga ito sa paghatid ng serbisyo publiko sa kanilang mga nasasakupan gayundin, ang pagbigay ng nararapat na social welfare services, pagsulong sa ekonomiya, mga negosyo at iba pang income-generating activities at pagbabantay sa kalikasan.
ELMA MORALES