UMALMA ang mga atletang swimmer sa 2024 Paris Olympics makaraang mabalitaang kalahok pa rin ang 11 sa 23 competitors na nagpositibo at bumagsak sa doping test noong nakalipas na 2020 Tokyo Games.
Kumalat ang balita sa Olympic village kung saan pinayagan ng mga opisyal ng nasabing event na lumahok ang 11 Chinese swimmers kahit ang mga ito ay nagpositibo sa ipinagbabawal na substances na anabotic steriod.
Sa nakalipas na imbestigasyon ng Chinese opisyal noong 2020 kung saan lumilitaw umano na ang 23 Chinese swimmers kabilang na ang 11 competitor na kalahok sa Paris Olympics ay mga biktima ng food contamination sa team hotel.
Kaagad na sinuspinde ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang mga Chinese swimmer ng isang taon subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinanggap ng mga opisyal ng WADA ang isinumiteng paliwanag ng sports Chinese officials noong 2023 kaya inalis ang suspension laban sa mga manlalarong Tsino.
Sa kasalukuyan, sinabing nawawala na ang integridad ng swimming competition sa 2024 Paris Olympics kahit na ang mga Chinese swimmer ay patuloy sa pagpapaliwanag na sila ay inosente sa resulta ng nasabing doping test noong 2020 Tokyo Olympics.
Kabilang sa swimmer competitors na dismayado sa nabalitaang anomalya ay sina Katie Ledecky ng Team USA at Italian swimmer Simona Quadarella habang aabot na sa apat na medalya ang nasungit ng Team China sa swimming competition kabilang na si Zhang Yufei na sumungit ng 2 bronze medals.
Samantala, nagsagawa na ng criminal probe ang mga miyembro ng US Congress noong Hulyo 5 laban sa WADA kaugnay sa Chinese case habang nagpapatuloy naman ang iba pang sangay ng pamahalaan sa imbestigasyon.
MHAR BASCO