11 DRUG SUSPECTS KALABOSO, DRUG PUSHER TUMBA SA ENCOUNTER

drug pusher

QUEZON CITY – NAPATAY ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa ilalim ng pamunuan ni Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., at mga tauhan nito mula sa  Nova­liches Police Station (PS 4) sa ilalim naman ng pamumuno ni Police Lt. Col. Rosel Cejas ang 11 suspek na inaresto kontra droga habang napatay naman  ang isa sa mga suspek na tinangka pang manlaban sa mga pulisya.

Ito ay matapos magpatupad ng search warrant sa Violation of R.A. 9165 dahilan ng pagkakaroon ng engkuwentro laban sa suspek at ng mga tauhan ng PS-4, QCPD na kilalang notoryus drug pusher habang naaresto naman ang 11 indibiduwal dahil sa paglabag na may kaugnayan sa Violation of R.A. 9165.

Ayon sa ulat, bandang 4:10 ng umaga sa Brgy. Gulod, ang dalawa sa mga suspek na subject ng natu­rang search warrants ay matagumpay na naaresto kasama ang 9 na mga kasamahan nito.

Ang mga suspek na sina Waida Silongan y Musa alyas “Wayda/Wahida”, 42, balo, tubong North Cotobato, may nakahaing search warrant at ang suspek na si Baimen Sarip y Blah alyas “Baimen”,  21-anyos, may-asawa, at tubong North Cotabato na kasalukuyang  residente ng No. 6 Kabuhayan/Florentina St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City na may nakuhang search warrant  na kapwa agad naaresto at ang suspek na si alyas Maranao para naman sa  Search Warrant No. 5816 (19) na mabilis namang nakatakas.

Habang napaslang ang suspek naman na si Bilao habang inihahain ng mga awtoridad ang search warrant laban sa mga suspek.

Inaresto naman ang 9 na iba pang mga kasamahan ng mga suspek sa lugar.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 21, ng R.A. 9165. Nakuha mula sa mga suspek ang 184 na piraso ng heatsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang shabu na tinatayang may timbang na  150 gramo o estimated DDB value na isang milyong piso; 2 kilo ng marijuana na may DDB value na P240,000.00, caliber .38 na revolver na walang serial number; digital weighing scale; 11 Fired Cartridge Cases; dalawang live ammunitions ng caliber .38 revolver. PAULA ANTOLIN