NAKATAKDANG ipamahagi ngayong araw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 11 mula sa 22 fiberglass boat na ipinangako nitong ipagkakaloob sa Pinoy fishermen na nasangkot sa Recto Bank incident.
Ayon kay BFAR Mimaropa OIC director Elizer Salilig, malaki ang kada isang fiberglass boat na kayang magsakay ng hang-gang 15 tao at tiyak na hindi ito lulubog.
Ang naturang mga fiberglass boat ay may marine engine at fishing gear.
Bukod dito, sinabi ni Salilig na magkakaloob din ang Department of Department of Agriculture (DA) ng tulong pinansiyal sa 22 nakaligtas na mangingisda.
Comments are closed.