CAMP CRAME – LABING-ISANG kaso ng pagpaslang sa mga local executive ang naresolba ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang kaso nina Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan ng Cavite at General Tinio Mayor Ferdinand Bote ng Nueva Ecija.
Labinwalong kaso ng pagpaslang sa mga alkalde at bise alkalde ang inaksiyunan ng PNP kung saan 13 ang naresolba as of October 2, 2018.
Ang PNP National Investigation Task Group (NITG) ang tumutok sa mga nasabing kaso kung saan 11 cases ay naresolba habang ang mga kaso nina Lubigan at Bote ay sarado na.
Natukoy rin ang mga suspek at kinasuhan ng violent attacks sa local chiefs executive.
Ang NITG ay pinakamataas na PNP body para sa national level coordination na nag-imbestiga sa mga nasabing kaso.
Inihayag naman ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), na pinuno ng NITG, na lima pa ang kasalukuyang iniimbestigahan kasama na ang pagpaslang kay Mayor Alexander Buquing ng Supiden, La Union.
Tiniyak naman ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na bubuo siya ng special investigation task group (SITG) para sa masinsin na imbestigasyon sa pagpaslang kay Buquing.
“On the spate of killings of local chief executives, the PNP will intensify early preparation and operations on security measures to ensure safety and security nationwide. This is to anticipate ahead of time as the 2019 2019 Mid-Term Elections is about to happen in May next year including intensifying police visibility, random checkpoints, and focused-law enforcement operations to prevent commission of election-related violence,” ayon kay Albayalde. EUNICE C.
Comments are closed.