LABING-ISANG major roads sa Northern Luzon ang nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan bunsod ng landslide, nasirang daan at tulay, at tubig-baha.
Sa report na ipinadala ng Bureau of Maintenance (BOM) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tanggapan ni Secretary Mark Villar, kabilang sa mga ito ang Kennon road, Baguio Bontoc road, Baguio -Bua-Itogon road, Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun road at Banaue-Hungduan-Benguet boundary road.
Kasama rin sa mga hindi pa rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Abra-Ilocos Norte road sa Apayao, Mountain-Province-Calanan- Pimukpuk-Abbut road, Balbalan-Pinukpuk road sa Kalinga, Baliuag-Candaba-Sta. Ana road at Candaba-San Miguel road sa Pampanga.
Batay sa report, tinatayang aabot sa P2.74 bilyon ang gagastusin sa mga nasirang tulay at daan, gayundin sa flood control. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.