11 NA NASAWI SA ABRA QUAKE

ABRA- INIULAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na 11 ang naitalang patay sa lindol kung saan 10 sa mga ito mula sa Cordillera at 1 sa Region 1.

Ang pang-11 nasawi ay isang 59 anyos na lalaki mula sa Tubo, Abra na nagtamo ng brain injury dahil sa gumuhong bubong na gawa sa kawayan na may nakaibabaw na sako ng lupa.

Nauna nang iniulat ng NDRRMC na ang 10 nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region habang ang isa naman ay mula sa Ilocos region.

Samantala, nananatili naman sa 410 ang kumpirmadong nasaktan sa lindol.

Habang umakyat na sa 119, 730 na pamilya o katumbas ng 448, 990 ang indibidwal ang apektado ng lindol.

Samantala, iniulat naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nasa kabuuang 2,650 aftershocks na ang naitala base sa datos kahapon August 5. VERLIN RUIZ