LABING-ISANG pasahero ang sugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan kabilang na ang isang UV Express at pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Supt. Wilson Delos Santos, kasalukuyang hepe ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit, naganap ang naturang insidente alas-12:40 ng madaling araw.
Minamaneho ni Rolando Seguro mula northbound ng Commonwealth Avenue ang dala nitong UV Express sakay ang 10 pasahero nang makagitgitan ang isang sedan na minamaneho naman ni Chito Fortu na nag-over take sa kanya dahilan upang magit-git ang SUV at medyo mawala ang giya nito dahil sa impact ng pagdikit ng sedan.
Dahil naman sa impact, ang UV ay nadikit sa isang bus dahilan upang mapatalsik hanggang sidewalk.
Ayon pa kay Delos Santos, nagmamadali ang driver ng sedan dahil sa asawa nitong buntis at hinabol ito ng mga taga PS-6 Ba-tasan Police at nagpaliwanag naman sa sitwasyon ng kanyang asawa na dadalhin nito sa ospital na kalaunan ay dinala rin sa pagamutan. PAULA ANTOLIN