SAUDI ARABIA – LABING-ISANG overseas Filipino workers (OFWs) ang nagpapasaklolo at nais nang umuwi ng Filipinas dahil sa nararanasang pang-aabuso ng amo partikular ang pagkandado sa kanilang kuwarto kapag nagkakaroon ng pagkakamali.
Reklamo pa ng mga OFW na hindi rin sinunod ng kanilang mga amo ang nakasaad sa kontrata at kinikumpiska ang kanilang mga papeles kasama ang kanilang iqama o work permit.
Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, na nakikipagkoordinasyon na ang kanilang welfare officers sa OFWs at sinusubukang kausapin ang kanilang mga amo.
Tiniyak naman ni Cacdac na kung nais nang magsiuwi ng mga OFW ay kanila nitong tutulungan na makakuha ng exit visa.
Ang pamilya ng mga apektadong OFWs ay nakipagkita na sa mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration para kausapin ang kanilang counterpart sa Saudi gayundin ang employment agency. EUNICE C.
Comments are closed.