NAGPALABAS ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng cease and desist order laban sa 11 online lending apps na nag-ooperate nang walang lisensiya.
Sakop ng kautusan ng SEC na inisyu noong Biyernes ang mga online lender na Cash Whale, Cash 100, Cashafin, CashFlyer, CashMaya, Cashope, Cashwarm, Cashwow, Creditpeso, ET Easy Loan at Peso2Go
Ayon sa SEC, ang mga illegal lender ay may access sa personal information na nakatago sa mobile phone ng borrower, kabilang ang contact numbers, Facebook accounts at email addresses, at ginagamit ang mga ito sa paniningil.
Sinabi pa ng corporate regulator na nakatanggap sila ng mga reklamo hinggil sa mapang-abusong lend-ing at collection practices ng naturang mga kompanya, kabilang ang pananakot na ipo-post ito sa social media o magsasampa ng kaso sa barangay kapag hindi nakapagbayad ang borrower.
Ang ilang complainants ay napag-alamang dumanas din ng panghihiya sa publiko.
“The abusive collection practices, misrepresentations, and unreasonable terms and conditions imposed by the Online Lending Operators and their agents and representatives exemplify the practices that as a matter of policy, the State seeks to prevent,” nakasaad sa kautusan ng SEC.
May 19 na iba pang online lending apps ang nauna nang tumanggap ng cease and desist order mula sa SEC dahil sa parehong kadahilanan.
Pinawalang-bisa rin ng corporate regulator ang certificates of registration ng mahigit sa 2,000 lending companies sa kabiguang makakuha ng mga kinakailangang dokumento. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.