11 OPISYAL NG PNP BINALASA

MULING nagpatupad ng balasahan sa hanay ng mga senior police officials si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr.

Sa pinakabagong unit reassignment na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Maj. General Robert Rodriguez ay may limang heneral at anim na koronel ang nabigyan ng bagong puwesto.

Kabilang sa mga heneral na binigyan ng bagong assignments ay sina BGen Roderick Mariano na itinalaga bilang acting director ng Southern Police District; BGen Nicolas Salvador na ginawang acting director for plans ng PNP; BGen Ponce Peñones Jr na inilipat bilang acting Chief ng Legislative affairs center ng Directorate for Plans; BGen Rizalito Gapas na itinalaga bilang acting district director ng Northern Police District at BGen Kirby Kraft na ginawang acting regional director ng CARAGA.

Epektibo agad kahapon ang nasabing balasahan. EUNICE CELARIO