11 OUTSTANDING YOUTH GROUPS PINARANGALAN NG VILLAR SIPAG

VILLAR-3

PINARANGALAN ng Villar Social ­Institute for Po­verty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) sa pamamagitan ng programa nitong Villar SIPAG Awards ang 11 grupo na itinanghal na Most Outstanding Youth Social Enterprises sa seremonyang idinaos sa Villar SIPAG Hall sa Las Piñas City.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG, ang programa ay ang paraan ng kanyang pamilya para kilalanin ang pagpupursigi ng mga kabataan upang magkaroon ng positibong pagbabago sa lipunan.

“This is our way of supporting empowerment of our young people with the hope of further encou­raging them and also inspiring others to significantly contribute to our goals as a nation,” ani Villar.

Nasa ikatlong taon na ngayon, ang Villar SIPAG Awards ay isang ‘friendly competition’ sa hanay ng mga kabataang Pinoy na ang social enterprises ay malaki ang naiaambag para mabawasan ang kahirapan sa kani-kanilang komunidad.

Ang mga kandidato para sa awards ay ang mga grupo na binubuo ng college o masteral students; out-of-school youth; young professionals; social enterprise groups; young entrepreneurs; youth organizations; at iba pang community organizations.

Matapos ang masu­sing pagsusuri, comprehensive screenings at rational project defense, ang mga finalist ay pinili base sa originality at uniqueness ng serbisyo o produkto, adaptability, sustainability at community upliftment.

Ang bawat awardee ay tumanggap ng cash prize na P150,000 para makatulong sa kanilang mga proyekto at inisyatibo sa pagbabawas ng kahirapan.

Ang mga pinarangalan ngayong taon ay ang mga sumusunod: 1. The Cultivators 4H Ers Club of Ilocos Sur Prison Jail (Bantay, Ilocos Sur); 2. Quirinian Youth In Action (Qurino, Isabela); 3. 4h Club- Goa Chapter/ Goa Young Far­mers Association (Goa, Camarines Sur); 4. Tanay Moun­taineers Inc. (Tanay, Rizal); 5. Ulama League for Call and Guidance. Inc. (Brgy. 648, Manila); 6. Saving Innocent Lives Amidst War (Leon, Iloilo); 7. Youth for Livable Communities (Beverly Hills, Cebu City); 8. Family Help Project (Merida, Leyte); 9. Quiniput 4h Club (Qui­niput, Zamboanga); 10. Food Secure Philippines (Midsayap, North Cotabato); at 11. Power Se7en (Limaha, Butuan City).