11 PATAY, 3 SUGATAN SA BAGYONG DANTE

KINUMPIRMA ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na 11 ang nasawi nang manalasa noong isang linggo ang Bagyong Dante habang tatlo ang sugatan at dalawa pa ang pinaghahanap.

Bukod sa mga nadisgrasya, umabot din sa 29,000 pamilya ang napilitang lumikas sa kanilang tahanan o katumbas 120,000 katao na karamihan ay mula sa Visayas at Mindanao kung saan unang nanalasa ang Bagyong Dante.

Ang mga nasawi at apektado ng bagyo ay mula sa Region 4B o MIMAROPA, Regions 6, 7, 8, 11 at 12.

Magugunitang sa unang bugso ng Tropical Storm Dante sa Davao de Oro ay naitala na ang pagbaha kung saan isang lolo ang unang nasawi habang napilitang ikansela ang klase sa lahat ng antas sa apat na lalawigan at lungsod sa Kabisayaan at Mindanao..

Samantala, dalawang silid-aralan naman sa Governor Generoso, Davao Oriental ang nawasak makaraang maguhuan ng lupa, putik at bato dahil naman sa matinding pag-ulan doon bunsod ng inter tropical convergence zone. EUNICE CELARIO

9 thoughts on “11 PATAY, 3 SUGATAN SA BAGYONG DANTE”

  1. 133640 343383You completed certain great points there. I did searching on the subject matter and discovered most persons will go together along with your weblog 641801

Comments are closed.