11 PINAY NA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NAPAUWI MULA DUBAI

UAE

UAE – MATAGUMPAY na napauwi ng pamahalaan ang 11 Filipina na biktima ng human trafficking sa Dubai.

Sa ulat ang mga biktima ay dumanas ng matinding hirap sa nasabing bansa at mismong Araw ng mga Puso o noong Pebrero 14, ay napauwi ang mga ito, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Bago makauwi, binigyan ng pansamantalang matutuluyan ang mga ito sa nasabing bansa, ayon kay DFA Undersecretary Dodo Dulay.

Ang kanilang exit visa fees, immigration penalties, at airfare ay sinagot ng Philippine government. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “11 PINAY NA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NAPAUWI MULA DUBAI”

Comments are closed.