PINATATANGGAL na sa serbiyo ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service (PNP–IAS) ang 11 na tauhan ng Special Action Force (SAF) kabilang ang anim pang mga opisyal.
Kaugnay nito na nadiskubreng moonlighting ng dalawang tauhan nito sa Ayala, Muntinlupa City kahit pa nakatalaga sila sa Zamboanga.
Sa record ng PNP-IAS, Mayo ngayong taong ito nang mabisto ng liderato ng PNP ang dalawang tauhan ng SAF na suma-sideline bilang escort ng isang Chinese.
Inaresto ang dalawa matapos ireklamo ng alarm and scandal makaraang mag-suntukan sa loob isang subdivision sa Muntinlupa.
Agad sinibak sa puwesto ang mga ito kasama ang pito pa nilang mga opisyal habang iniimbestigahan ang kanilang kasong administratibo na isinampa sa kanila.
Sinabi ni PNP-IAS Inspector General Brigido Dulay, matapos ang limang buwan imbestigasyon at pag-aaral sa kanilang kaso ay tuluyan na silang inirekomenda na alisin sa serbisyo.
“Marami ang ebidensiya na nagpapatunay na meronpagkukuntsaba itong mga opisyal at tauhan doon sa SAF sa Zamboanga para palabasin na itong dalawang na tao na ito ay nandun sa Zamboanga na nagtatrabaho na ang totoo naman ay dito nahuhuli nagmomoonlighting sa Ayala Alabang,” ayon kay Dulay.
Bukod sa dalawang pulis, pinatatanggal na rin sa serbisyo ang siyam na iba pa nilang kasamahan kabilang ang anim na opisyal na ang pinakamataas ay may ranggong lieutenant colonel.
Sakaling katigan ng liderato ng PNP ang rekomendasyon ng IAS, tuluyan na silang aalisin sa serbisyo
Umaasa naman ang PNP na magsisilbi itong babala sa mga pulis na patuloy na sangkot sa illegal na aktibidad kabilang ang moonlighting.
EUNICE CELARIO