TINUKOY kahapon ng Department of Health (DOH) ang 11 medical conditions para maging kuwalipikado ang mga batang nasa 12-17 age group para sa COVID-19 vaccination.
Nabatid na kabilang sa mga batang unang tuturukan ng bakuna kontra sa COVID-19 ay yaong mayroong Medical Complexity, Genetic conditions, Neurologic conditions, Metabolic/ endocrine, Cardiovascular disease, Obesity, HIV infection, Tuberculosis, Chronic respiratory disease, Renal disorders, at Hepatobiliary.
Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga magulang ng mga batang magpapabakuna na dapat munang kumuha ng clearance mula sa kanilang mga doktor, at magbigay ng kanilang consent at assent.
“Ibig sabihin ang kanilang mga magulang ay kailangan magkaroon ng consent dito, pipirma sa document, at pangalawa ‘yung bata mismo na babakunahan ay may assent dito. Pangatlo, siyempre ‘yung monitoring natin,” paliwanag ni Vergeire, sa isang virtual briefing.
Pinayuhan din ni Vergeire ang mga magulang na irehistro ang kanilang mga anak sa local government units (LGUs) na nakakasakop sa kanila.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na target ng pamahalaan na simulan ang pagbabakuna sa mga kabataan sa National Capital Region (NCR) na may comorbidities sa Oktubre 15.
Ipaprayoridad aniya ng national government ang 10% ng kabuuang menor de edad sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.
Nag-anunsiyo na rin ang National Children’s Hospital at Philippine Heart Center sa Quezon City, gayundin ang Philippine General Hospital (PGH) na tutulong sa pagbabakuna sa mga bata.
Hindi pa naman tinukoy ni Vergeire ang iba pang pagamutan na magbabakuna ng mga bata at sinabing inaayos pa ito. Ana Rosario Hernandez
470347 321153This internet internet page is genuinely a walk-through for all of the info you wanted about this and didnt know who to ask. Glimpse here, and youll surely discover it. 331197
36977 625232This blog actually is excellent. How was it produced ? 807130
119001 81890Hey There. I discovered your blog using msn. That is really a quite smartly written article. I will make positive to bookmark it and come back to read much more of your useful information. Thanks for the post. I will surely return. 559275