MAPALAD ang 11 estudyante na kumukuha ng vocational course mula sa Bulacan Polytechnic College (BPC) makaraang makatanggap sila ng educational assistance kaugnay ng traditional na Flag Raising Ceremony na ginanap sa Open Parade Ground ng Camp. Gen. Alejo. S. Santos sa Malolos City noong Lunes ng umaga.
Pinangunahan ni P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan Police Director kasama si Mr. Joven L. Ong, Pangulo ng Philippine Fireworks Association at miyembro ng Provincial Advisory Council (PAC) ang pagkakaloob ng P5,000 Educational Financial Grant sa bawat deserving graduating students na kumukuha ng kursong bokasyonal sa BPC.
Sinaksihan ni Dr. Perlita Cruz, Ph.D., Pangulo ng BPC at siya ring guest of honor at Speaker ang pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa masuwerteng estudyante na sina Edralin Cruz, Charlene Caganda at Edness Ramos, pawang kumukuha ng Computer Secretarial; Cris Aldwin Brosas.Gle Brayn Baltazar, Lea Carbon at Jeric Lazano, nakatakdang magtapos sa kursong Electrical Installation and Maintenance.
Kabilang pa rin sa tumanggap ng P5,000 bawat isa sina Shaira Capitan, John Ryan Christian Facistol at Glendel Ellis Bacani, may kursong Hotel and Restaurant Services at Jhoana Tolentino, kumukuha ng Contact Center Service, kung saan ang mga college students na ito ay kabilang sa below average income family.
Tiniyak pa ni P/Senior Supt. Bersaluna na ang nasabing mga estudyante ay muling makatatanggap ng kaparehong halaga sa sandaling makatapos sila ng kanilang pag-aaral upang mayroon silang magugol sa paghahanap ng kanilang trabaho habang tumanggap naman sa kanyang maybahay na si Jocelyn Bersaluna at iba pang miyembro ng Officer’s Ladies Club ng bag of groceries ang mga mapapalad na estudyanteng ito. A. BORLONGAN
Comments are closed.