COMPOSTELLA VALLEY – LABING-ISANG sundalo ang nasugatan sa bakbakan sa pagitan ng military at may 20 mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na ibinahagi ng Philippine Army kahapon.
Ayon kay Capt. Jerry Lamosao, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, naganap ang sagupaan sa pagitan ng 10th Division Reconnaissance Company at 25th Infantry Battalion at ng NPA sa Sitio Tinago, Brgy. Mt. Diwalwal sa bayan ng Monkayo.
Bago ang nasabing engkuwentro nagsumbong ang mga residente sa mga tauhan ng Philippine Army kaugnay sa presensya ng NPA sa lugar.
Sinasabing nagre-recruit umano ng mga bagong miyembro ang grupo ng mga rebelde at pinupuwersa ang mga sibilyan na dumalo sa anniversary gathering ng grupo.
Agad na naglunsad ng kanilang operasyon ang tropa ng 10th ID subalit bago pa tuluyang madikitan ng mga sundalo ay sumabog ang itinanim na roadside bomb ng mga rebelde na ikinasugat ng 11 sundalo.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang sundalo at pawang nasa maayos nang kondisyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.