11 SUSPEK SA BRAVANTE HAZING KINASUHAN NA

SUMAMPA na sa 11 suspek sa Ahldryn Bravante hazing ang hawak ng Quezon City Police District (QCPD).

Kasabay nito, nagsampa na ng kasong kriminal ang QCPD sa pangunguna ni Brig. Gen. Redrico Maranan laban sa mga suspek.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mga naarestong sina Justin Artates Cantillo, Cavite; Mark Leo Domecillo Andales, kapwa itinuturing na Deputy Grand Treskilion (DGT) sa kanilang grupo; Kyle Michael Cordeta De Castro, ingat-yaman, Lexer Angelo Diala Manarpies, ang Master Initiator (MI).

Ayon sa imbestigasyon matapos ang initiation rite noong Oktubre 16, nahirapang huminga si Bravante na isang criminology student at nawalan ng malay dahilan upang isugod nina Artates at De Castro sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Una nang naaresto ang dalawang suspek ng ala-1:10 ng madaling araw noong Oktubre 17.

Habang ang mga suspek na sina Manarpies at Andales ay sumuko sa CIDG QCFU-NCR.

Samantala, nitong Oktubre 18, ang mga suspek na sina Cantillo at Decastro ay nagbigay ng kanilang Extra Judicial confession sa tulong ng kanilang abogado na si Atty. Melvin Bughao kung saan isiniwalat nila ang mga pangalan at address ng iba pang miyembro ng TAU Gamma Phi.

Sa parehong petsa, si John Xavier Clidoro Arcosa, 18-anyos ay sumuko sa Police Station 1 sa tulong ng kanyang mga magulang at ngayon ay nasa kustodiya ng CIDU.

Habang kahapon, sumuko ang isa pang suspek na nakilalang si John Arvin Kaylle Regualos Diocena upang magpahayag ng kinalaman nito sa insidente.

Kasong paglabag sa R.A. 11053, o ang Anti-Hazing Act of 2018, at pagnanakaw ang kinakaharap ng mga suspek.
PAULA ANTOLIN/ EVELYN GARCIA